191

Oct 2, 2017 @ 12:09

9 katao tiklo sa pag-repak ng marijuana

Dinakip ng mga operatiba ng Manila Police District Station 1 ang siyam na katao habang nagbabalot ng marijuana sa isang Hotel sa Tondo, Maynila .

Ayon Chief Supt. Jay Dimaandal, hepe ng MPD Station 1, walong lalaki at isang babae ang kanilang nadakma nang maaktuhan nilang magre-repacked ng nasabing ipinagbabawal na gamot sa road 10, Brgy.106, Tondo.

Sinabi pa ni Dimaandal na tig-isang dahon ng marijuana ang inilalagay ng mga suspek sa plastic sachet.

Nagkakahala umano ang mga nasabat na damo ng animnapung libong piso na nakasilid sa 600 plastic sachet.

Habang isinusulat ang balitang ito ay iniimbestigahan na ang mga. Hindi pa nakikilalang mga suspek na posibleng maharap ng mga kaukulang kaso na may kinalaman sa dangerous drugs act. .(Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?