34

Jan 3, 2018 @ 10:15
By

9 katao, sugatan sa fake bomb

Siyam na katao ang sugatan nang magkagulo sa inakalang bomba ang sumabog sa Roxas Night Market sa Davao City.

Ayon kay Chief Inspector Ramil Macarampat, hepe ng San Pedro Police, nagkaroon ng pagsabog kamakalawa ng gabi matapos nagkaroon ng short circuit sa wire ng ilaw sa lungsod pero inakala ito ng mga tao ng bomba kaya nagkagulo.

Matatandaang 15 indibiduwal ang nasawi sa nangyaring pagsabog sa Roxas Night Market noong Setyembre 2016 kaya nagkatensiyon ang mga tao nang may pagsabog kamakalawa.

Bunsod nito, paalala ng mga awtoridad, iwasan na mag-panic at huwag sumigaw ng bomba nang wala namang kasiguraduhan. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?