31

By

9 kabilang ang 1 menor de edad huli sa droga

Sharing is caring!

Siyam katao kabilang ang isang menor de edad ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Balocod City at Cavite City kung saan isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska.

Ayon kay PDEA Dir. Aaron Aquino, ang unang naaresto ay si Herminigildo Camero, residente ng Brgy. San Francisco sa Dasmariñas, Cavite, batay sa report, agad na inaresto ang suspek sa isang buy-bust operation kung saan 200 gramo ng shabu ang tinangkang bilhin sa kaniya ng nagpanggap na posuer buyer.

Nang maaresto ay nakumpiskahan pa ito ng shabu na aabot sa halagang isang milyong piso.

Walong katao naman ang naaresto sa raid sa Brgy. 2, Bacolod City, isang Carlos Sonico III, ang target umano ng operasyon matapos makatanggap ng report na nagmamantine ito ng isang drug den sa nasabing lugar.

Nang salakayin ay naaresto si Sonico, at pitong iba pa kabilang ang 15-anyos na menor de edad, kabilang pa sa naaresto sina Kiefer Salmac, Wendyl Sator, Ernie Magbanua, Kerwin Hablero, Wilfredo Diaz at Anthony Cadungo, pawang itinaggi ng mga ito na sangkot sila sa iligal na droga at bumisita lamang umano kay Sonico.

Sa impormasyon ng PDEA, labas-pasok umano sa bahay ni Sonico ang mga kalalakihan na bumibili ng shabu at doon na rin ginagamit dahil tago umano ang drug den ay hindi ito pansinin kaya pinupuntahan ng mga gumamamit ng iligal na droga.

Mariin namang itinatanggi ng mga ito na sangkot sila sa kalakaran ng iligal na droga subalit matibay umano ang ebidensiya ng PDEA matapos makakumpiska ng 25 sachets ng hinihinalang shabu na may street value na P150,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?