46

Oct 22, 2017 @ 16:59

9 international flights kanselado dahil kay Paolo

Hindi natuloy ang siyam na flights ng Philippine Air Lines at Cebu Pacific patungo sa Japan at Taiwan kahapon dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Paolo (International name: Lan).

Unang nag-anunsiyo ng kanselasyon ang PAL at ito ang flights PR 408 Manila – Kansai, PR 432 Manila – Narita, PR 438 Manila – Nagoya at PR 896 / 897 Manila – Taipei – Manila.

Samantala, sinabi naman ni CharoLagamon, ang tagapagsalita ng Cebu Pacific, kinansela din nila ang kanilang flights 5J 828 / 827 Manila – Osaka – Manila, 5J 5038 / 5039  Manila – Nagoya – Manila.

Aniya ang mga nakanselang flights ay may bagong departure time ngayon simula alas-3:05 ng hapon.

Lumabas ng bansa ang bagyong Paolo ala-1 ng madaling araw kahapon at inaasahan na mananalasa ito Japan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?