662

By

9 drug suspect huli sa hotel sa Maynila

Siyam na umano’y drug suspect ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District (MPD) sa isinagawang buy-bust operation sa isang kilalang hotel sa Maynila nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni PDEA Special Enforcement Services Director III Levi Ortiz ang mga nadakip na sina Jetrick Brianne Santos, Jezreel Joseph Silva, Harley De Jesus, Mary Rose Santos, Ryan Alvin Tanada, Ralph Ivan Manalang, Nurshida Sabdani, Ma. Olivia Dela Llanan at Calugay Mayumi.

Naaresto sila dakong alas-12:50 ng tanghali sa Room 455 Century Park Hotel na matatagpuan sa Brgy. 720, Malate, Manila.

Ayon kay Ortiz, nakatanggap umano sila ng impormasyon na ang mga naturang suspek ay nagtutulak at nagsasagawa ng pot session sa naturang hotel kaya agad silang nagsagawa ng surveillance laban sa mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang 43 pirasong ecstasy na nagkakahalaga ng P107, 500; tatlong sachets ng Kush na nagkakahalaga ng P7,000; 100 ml ng liquid ecstasy na nagkakahalaga ng P30,000; apat na botelya ng ketarol na nagkakahalaga ng P40,000 at drug paraphernalia.

Nakapiit ngayon sa PDEA headquarters ang mga suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?