109

Feb 15, 2020 @ 20:17
By

9 bebot dinakma sa ‘extra service’ sa spa

Dinakip ang siyam na kababaihan sa sinalakay na spa ng mga awtoridad dahil umano’y nag-aalok ng extra service sa kanilang mga kostumer sa Quezon City nitong Sabado ng madaling-araw.

Ayon kay Quezon City Police District Director P/BGen. Ronnie Montejo, ala-una ng madaling-araw (February 15) nang salakayin ng mga tauhan ng Station Women and Children’s Protection Desk ng Masambong Police Station 2 at mga personnel ng Business Permit and Licensing Office ang Inflorence Spa na matatagpuan sa 314 Roosevelt Ave., Brgy. San Antonio.

Isang undercover operative ang nagpanggap na kostumer at nakumpirma na may mga babaeng umano’y massage therapists ang nag-aalok ng sex bilang ‘extra service’ sa loob ng spa.

Sa naturang raid, nasagip din ang mga babae na nagkakaedad ng mula 18-anyos hanggang 34-anyos.

Ang spa owner naman na si Ivie Estor Haller ay hindi natiyempuhan sa raid ngunit sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?