50

Feb 29, 2020 @ 18:24
By

9 bayan sa Camarines Sur, may ASF

Isinasailalim ngayon sa mahigpit na pagbabantay ang siyam na bayan matapos mabahala ang pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) kaugnay sa pinangangambahang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) sa Camarines Sur.

Preventive and control measures ang ginagawa ngayon sa siyam na bayan, kabilang na ang Naga City, Calabanga, Magarao, Canaman, Libmanan, Camaligan, Gainza, Pili at Minalabac na kung saan binabantayan ang lahat ng mga nag-aalaga ng baboy sa posibleng sakit at upang hindi na kumalat pa ang kinatatakutang sakit ng mga baboy.

Nilinaw naman ni Emily Bordado, regional spokesperson ng Department of Agriculture (DA), na nasa ASF watch list ang siyam na bayan na kailangang isailalim sa laboratory tests at kapag nagpositibo sa sakit at obligadong papatayin na ito upang hindi na makapanghawa pa.

Habang ang 48 barangay sa loob ng bayan ng Camaligan, Gainza, Pili, at Minalabac, ay kabilang sa 10-kilometer Control Zone na maaari pa namang maibenta basta may sapat na dokumento.

Sa kasalukuyan, nasa 1,362 baboy mula sa barangay ng Bombon at Calabanga ang una nang nakatay dahil sa sakit habang mayroon namang 16.9 metric tons ng karne ng baboy at iba pang meat products mula sa ASF-hit areas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?