9 ASG patay sa bakbakan kontra militar sa Basilan

Sharing is caring!

Siyam na pinaghihinaalang kasapi ng Abu Sayyaf Group ang nasawi matapos atakehin ng militar ang kanilang lungga sa Barangay Mahatalang, Sumisip, Basilan noong Miyerkules.

Ayon sa report ng 4th Special Forces Battalion, nakasagupa diumano ng 3rd Scout Ranger Batallion ang mga bandido sa pangunguna ni Furuji Indama.

Umayuda ang 3rd Tactical Operations Wing ng Philippine Air Force gamit ang F/A 50 jets, habang tumulong din ang 8th Field Artillery Battalion supported ground troops gamit ang mortar.

Ang pag-atake ay nagresulta sa pagkamatay ng siyam ng kasapi ng ASG. Isa lang katawan ng ASG lang ang narekober ng mga militar sa lugar.

Nabawi ng mga militar sa lugar ang dalawang high-powered firearms, isang M-203 grenade launcher, medical supplies, at mga gamit sa paggawa ng bomba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?