39

Oct 21, 2017 @ 14:25

9 ASG members sumuko na sa Basilan

Sumuko na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang siyam na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), kabilang na ang mga kamag-anak ng teroristang si Isnilon Hapilon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Marine Col. Edgard Arevalo, sumuko ang siyam na bandido kamakalawa sa 74th Infantry Battalion sa Al Barka, Basilan.

Kabilang sa mga sumuko si Ben Salina Sapilin, alyas Ben, na pinsan ni Hapilon.

“We were able to identify Ben Salina Sapilin who uses the alias ‘Ben’ a cousin of Isnilon Hapilon. He along with other members Ramu Sapilin and Muhamad Endeng surrendered to troops of the 74th Infantry Battalion,” pahayag ni Arevalo.

Tatlong matataas na kalibre ng baril ang isinurender ni Sapilin.

Sa kasalukuyan, 124 na Abu Sayyaf na ang napapatay ng militar, 82 ang naaresto at 119 ang sumuko. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?