71

Nov 26, 2017 @ 16:18
By

9 anyos na lalaki napisak ng trak sa Batangas

Patay ang isang 9 na taong gulang na batang lalaki matapos masagasaan ng trailer truck sa Calatagan, Batangas.

Ayon sa report, nakilala ang biktima na si Elmar de Torres ng Sitio Lipatan, Barangay Lucsuhin.

Sabi ng pulisya, natumba ang biktima habang sakay ng kanyang bike at nahagip naman ng dumadaang trailer truck bandang alas-12:00 ng tanghali malapit sa kanilang bahay.

Agad itong namatay.

Sumuko sa pulisya ang driver ng trak an si Vicvic Buela at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?