185

Oct 16, 2017 @ 12:54

9-anyos na bata, binaril sa ulo ng 2 lasing

Kritikal ang isang siyam na taong gulang na bata matapos barilin ng dalawang lalaking lasing sa Barangay Cogon Calbayog City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Aicol Dealagdon residente ng Barangay San Jose Calbayog City

Habang ang dalawang suspek ay kinilalang sina Jun Jun Derio, residente ng Brgy San Jose, Calbayog City.

Sa ulat ng PNP Calbayog, alas-6:00 ng gabi, habang naglalaro ng basketball ang biktima ay bigla na lamang sumulpot ang dalawang lasing na suspek at naghahamon ng away ngunit walang pumapansin.

Dahi dito, napagdiskitahan ng dalawa ang batang naglalaro ng basketball at ipinutok dito ang bitbit na short firearms.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na ngayong ginagamot pa rin sa Calbayog City District Hospital.

Habang nakatakas naman ang mga suspek na ngayon ay target na sa manhunt operation ng mga pulis, habang inihahanda na rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?