150

Nov 30, 2021 @ 18:54
By

9 anyos na babae hinalay ng kaibigan ng ama, patay

Nasawi ang siyam na taong gulang na batang babae nitong Lunes, dalawang araw matapos matagpuang sugatan sa Barangay Taculing.

Ayon sa mga pulisya, natagpuang sugatan ang biktima noong Linggo sa bakanteng lote kung saan siya umano ginahasa ni Sherwin Trava, 32, kaibigan ng kaniyang tatay.

Sinabi ng awtoridad, nagtungo si Trava sa bahay ng biktima dahil kaibigan nito ang ama, pagkatapos ay niyaya niya ang bata na sumama sa kanya upang bumili ng tinapay.

Dito na nito ginawa ang panggagahasa sa biktima.

Umamin si Trava na nabaling lang nito sa bata ang galit nang makitang papasok umano ang kanyang nobya sa isang lodging house.

Tatlong beses umano nitong hinampas ng bato sa ulo ang biktima bago tumakas. Itinanggi rin ni Trava na ginahasa nito ang biktima.

Ngunit lumabasa sa medikal na pagsusuri na nagahasa ang biktima.

Isinugod agad ang bata sa ospital subalit namatay din ito matapos ang dalawang araw dahil sa natamong head injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?