30

By

9-anyos kinasuhan ng murder, arson

Sa murang edad, nahaharap na sa kasong murder ang isang 9-anyos na bata sa central Illinois matapos mamatay sa sunog ang may limang katao.

Hindi kinilala ang batang lalaki dahil sa edad nito pero kinasuhan siya ng five counts ng first-degree murder, two counts ng arson at one count ng aggravated arson, ayon sa Chicago Tribune report.

Nangyari ang sunog sa Goodfield, isang maliit na bayan na may 150 milya southwest ng Chicago.

Kamakailan lang nang ihatol ni Woodford County Coroner Tim Ruestman ang kaso matapos madetermina ng Eureka-Goodfield Fire Protection District officials na sinadya ang sunog.

Sa kabila ng pagkamatay ng kanyang mga kaanak at pamilya, inamin ng ina ng batang suspek na si Katie Alwood na nakagawa ng “terrible mistake” ang kanyang anak pero hindi aniya ito isang “monster”.

Giit niya, palaging umiinom ng gamot ang kanyang anak at may sakit na schizophrenia, bipolar disorder at ADHD.

“Even though he lit the fire, I know his intentions were not to kill anybody. I know that. He cries and cries and cries because he misses his family,” saad ni Alwood.

Kabilang sa nasawi sa sunog ang fiancé ng ginang na si Jason Wall, dalawa pa niyang anak na isang 2-anyos at 1-anyos, maging ang 69-anyos na lola ng mga ito.

Inaasahan namang isasailalim sa probation ang bata at hindi ikukulong.

Sa Illinois, ang minimum age para maikulong ay 10-anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?