3

Sep 28, 2020 @ 12:02
By

9.3K medical frontliner sapul ng virus

9,347 na ang mga healthcare worker sa bansa na tinamaan ng nakahahawang sakit na COVID-19.

Ayon pa sa huling datos ng Department of Health (DOH), Setyembre 26, sa nasabing bilang ay 91 percent o 8,597 medical frontliner ang gumaling na.

690 naman ang aktibong kaso habang 60 ang yumao.

Pinakamaraming coronavirus-positive na mga nurse (3,263), sinundan ng physician (1,719), at nursing assistant (720).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?