30
8th Streetdance Competition iindayog
By

8th Streetdance Competition iindayog

Iindak na para sa UAAP Season 81 ang 8th annual Streetdance Competition, Sabado, Marso 23 sa Araneta Coliseum.

Mapa hip-hop o breakdance man, asahan na iindayog sa dance showdown ang bawat koponan sa Seniors’ division (Collegiate) at Juniors’ division (High School).

Namayagpag noong nakaraang season para sa collegiate level ang Far Eastern Universitys Dance Company na tinanghal na champions samantalang 1st runner-up ang La Salle at 2nd runner-up ang UP.

Hahataw ayon sa pagkakasunod sunod para sa Seniors’ division ang Adamson na may temang “Cast”, National U “Underdawgz”, defending champs FEU “Street Alliance”, Company of Ateneo Dancers, La Salle Dance Club, na susundan ng University of Santo Tomas Prime, UP Street Dance Club, at University of the East sa temang “Street Warriors”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?