82
TNT-ABANTE-TONITE-bataan-risers
Sep 23, 2018 @ 15:41
By

8th straight ‘W’ ng Bataan Risers, binalikat ni Raymundo

Patuloy ang pag-angat ng Bataan Risers sa Northern Division ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup matapos nitong padapain ang Cebu City Sharks, 76-69, nitong Sabado ng gabi, Setyembre 22, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ito na ang ikawalong sunod na panalo ng Risers bitbit ang 8-1 kartada, habang patuloy naman ang pagbulusok sa dulo ng Sharks tangan ang 1-8 baraha sa Southern Division.

Nanguna para sa Risers si dating PBA player Pamboy Raymundo na pumoste ng 12 puntos, tig-apat na rebounds at assists, at isang steal.

Ayon kay Risers coach Jojo Lastimosa, marami pa rin aniyang kulang sa kanyang tropa pero masaya pa rin ito na nasungkit sila ng panalo.

“Marami pang kulang as usual marami pang kulang but happy pa rin dahil panalo pa rin kahit papano,” wika ni Lastimosa sa Abante Online.

Sinabi rin nito na maalat ang kanilang opensa pero nairaos naman, at pagtatrabahuan nila ito para sa susunod nilang laban kontra Pampanga.

Sa kabilang panig naman, pumoste si Jan Patrick Cabahug ng 25 puntos, 11 rebounds at isang steal para sa Cebu pero hindi pa rin ito sapat para makuha ang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?