15

Mar 20, 2021 @ 20:15
By

8K pa nagpositibo! DOH inawat paglabas ng bahay

Muling nanawagan sa publiko ang Department of Health (DOH) na manatili na lamang sa bahay dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 case sa bansa.

Nitong Sabado naitala ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa loob ng isang araw na 7,999.

Kaya naman hinimok ng DOH ang mga mamamayan na manatili na lamang sa bahay dahil sa inaasahang pagtaas pa ng tatamaan ng COVID-19 sa paparating na Semana Santa at sa halip ay manood na lamang ng mga online misa.

Panawagan pa ng DOH, “The public is called on to wear their masks properly, and to observe other preventive strategies, AT ALL TIMES and IN ALL SETTINGS—even at home—in order to help reduce transmission.”

Hinimok din ang lahat ng indibiduwal na may mga sintomas ng COVID-19 na makipag-ugnay sa mga Barangay Health Emergency Response Team.

Binigyang-diin din ng DOH ang numero unong layunin na tiyaking hindi mahahadlangan o made-delay ang pag-aalaga sa mga COVID at non-COVID patient.

Upang magawa ito, kailangang tiyakin na hindi masosobrahan ng pasyente ang mga ospital.

“So everyone must act with extreme vigilance and help reduce transmission by consistently adhering to our preventive measures, as well as following our quarantine and isolation protocols,” saad ng kagawaran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?