69
views

By

8K Starbucks sa US, 1 araw isasara para sa anti-discrimination training

Sharing is caring!

Walong libong branch ng Starbucks sa Estados Unidos ang ipapasara sa May 29 para sabay-sabay na isailalim sa racial tolerance training ang nasa sa 175,000 empleyado nito.

Inanunsyo ito ng pinakamalaking coffee company sa buong mundo kasunod ng kontrobersiyang nilikha ng pagpapa-aresto sa 2 african-american ng isang sangay nito sa Philadelphia noong nakaraang linggo.

Dahil sa nasabing insidente, inaakusahan bgayon ang coffee chain ng racial profiling.

May mga nagsagawa na rin ng protesta na nananawagan sa boycott ng Starbucks.

Samantala, humingi na ng paumahin si Starbucks Chief Executive Kevin Johnson sa pangyayari sa Philadelphia at inako ang responsibilidad dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?