13

Jun 12, 2021 @ 17:51

8k bagong kaso ng COVID, naitala

Sa ika-apat na sunod na araw nitong Sabado ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 5,000 bagong kaso ng COVID-19 .

Ito ay matapos madagdag ang 8,027 na mga bagong kaso, na siyang nagdala sa kabuuang kaso ng virus sa 1,308,352.

Bukod dito, pumalo sa 22,652 ang mga nasawi sa virus matapos maitala ng DOH ang 145 na karagdagan sa nabanggit na bilang.

Samantala, nasa 60,341 ang mga aktibong kaso matapos gumaling ang 8,940 katao mula sa COVID.

Sa mga aktibong kaso, 90.7% ang mild cases at 5% ang asymptomatic.

Pumalo na sa 1,225,359 ang bilang ng mga nakarekober.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?