9

Apr 13, 2021 @ 18:35
By

889 bagong nagpositibong Pinoy abroad

Nakapagtala ngayong taon ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 case sa mga Filipino abroad ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Umakyat sa 18,001 ang total na bilang ng mga OFW na tinamaan ng virus matapos 889 ang bagong nagpositibo, 913 ang gumaling habang 30 ang nasawi.

Sa ngayon ay 5,850 Pinoy overseas ang ginagamot sa nasabing karamdaman; 11,038 naman ang kabuuang nakarekober na habang 1,113 ang death toll.

Sabi ng DFA, ang COVID-19 spike sa mga OFW ay dahil sa malaking bilang ng mga bagong kasong naitala sa Middle East.

Samantala, mayroong kasalukuyang 91 bansa/teritoryo na may mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?