42

By

871 bagong HIV cases naitala noong Pebrero – DOH

Umabot sa 871 na bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) infections ang naitala nito lamang nagdaang buwan ng Pebrero, ayon sa Department of Health.

Batay sa HIV/AIDS Registry ng DOH, kabuuang 22 kaso nang pagkamatay din ang kanilang naitala noong Pebrero.

Mahigit sa 16 na porsiyento o 135 ang maroon clinical manifestations ng advanced IV infection sa panahon ng diagnosis, ayon sa report.

Siyamnapu’t pitong porsiyento naman ng mga kaso o 841 ay sexual contact ang dahilan ng transmission.

Sa nasabing ulat, 723 kaso o 86 porsiyento ay pawang mga lalaki na nakipagtalik sa kapwa lalaki. Malaking bahagi ng kaso ay naitala sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?