24

Jun 10, 2021 @ 17:07
By

86 migrante natengga sa dagat, sinagip ng mga Pinoy marino

Ni-rescue ng mga Pilipinong marino ang 86 migrante na ilang araw natengga sa Mediterranean Sea.

Ayon sa ulat, noong Lunes sinagip ng all-Filipino crew ng MV Fleur N ang 86 migranteng sakay ng bangka na ilang araw na nahimpil sa nasabing karagatan.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang MV Fleur N mula sa Augusta Italian Coastal Navy na madadaanan nito ang isang bangka na nangangailangan ng rescue.

Karamihan daw ng mga migrante ay mula sa Egypt at patungong Italy para maghanap ng trabaho.

Sa kasamaang-palad ay nagloko ang makina ng bangka nila at na-stuck sila sa Mediterranean Sea.

Nanghihina na ang mga migrante nang ma-rescue, ayon kay Mykel Angelo Genilo, isa sa mga crew member ng MV Fleur N.

Ligtas namang naihatid ang mga migrante sa Augusta Port sa Italy noong Martes, June 8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?