372

Nov 17, 2021 @ 16:19
By

86-anyos wagi sa beauty pageant

Isang 86-anyos na lola ang nagwagi sa isang beauty pageant sa Israel.

Ayon sa ulat ng helloniceworld.com, kinoronahang “Miss Holocaust Survivor” noong Martes si Salina Steinfeld, na ipinanganak sa Romania.

Kabilang siya sa sampung kandidata – edad 79 hanggang 90 – na survivor ng Nazi attacks bago siya magtungo sa Israel noong 1948.

Ang “Miss Holocaust Survivor” ay taunang Israeli beauty pageant para bigyang karangalan ang mga babaeng nagtiis sa bangungot ng Nazi Genocide.

Rumampa ang sampung kandidata sa isang museum sa Jerusalem.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?