16

By

850 pasahero pinababa ng MRT dahil sa ‘electrical failure’

Sharing is caring!

Nagkaaberya kaninang umaga ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) southbound train at kinailangang pababain ang may 850 pasahero nito sa Guadalupe station.

Ayon sa abiso ng MRT sa Twitter, nagkaroon ng electrical glitch dahil sa naluma nang sub-components nito.

Nangyari umano ang pagpapababa alas-7:53 ng umaga.

Ito ang unang pagkabalam ng operasyon ng MRT sa nakalipas na tatlong linggo. Huli itong nagkaproblema noong Hunyo 12.

Nakasakay naman kaagad makalipas ng limang minuto ang mga pasahero sa sumunod na tren. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?