16

By

$84.9M halaga ng negosyo, iuuwi ni Duterte mula Israel

Sharing is caring!

Inaasahang mag-uuwi ng dagdag na pamumuhunan at trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte matapos maisara ang 22 investment commitment mula sa mga business leader na dumalo sa business forum sa Israel.

Sa kabila ito ng ginawang pag-boycott ng isang Israeli company sa business forum kahapon sa Jerusalem.

Ang mga kasunduang nilagdaan ay may kinalaman sa shipping, information technology, arms manufacturing, tourism development at food distribution.

Kabilang sa mga kasunduang naisara ng delegasyon ni Duterte ay joint venture na may kinalaman sa real estate development projects, marketing and promotion of tactical vehicles, kasama na ang technology transfer, development ng military and intelligence products and hardware at distributorship ng canned tuna products sa Israel at Palestine.

Magkakaroon din ng partnership ang Go Negosyo sa Israel-Philippine Chamber of Commerce / Israel Chamber of Commerce of the Philippines na may kinalaman sa micro entrepreneurs program.

Mayroon ding kasunduan para sa cyber security-related certification courses sa isang pribadong computer school.

Matatandaang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na mag-uuwi si Pangulong Duterte ng pasalubong para sa mga filipino ng dagdag na trabaho at investments mula sa biyahe nito sa Israel at Jordan.

Nakatakdang tumulak ang Pangulo at delegasyon nito sa Jordan pagkatapos ang ilang araw na pagbisita sa Israel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?