33

By

831 huli sa paglabag sa ordinansa sa EPD

Umaabot sa 831 katao ang dinampot sa magdamagang crime operation ng ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa magdamagan na nagtapos Lunes ng umaga.

Ayon sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD) patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO kaugnay sa mga paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Batay sa report, nasa lima katao ang nahuli sa pag-inom sa kalsada o drinking in public places, 180 katao ang arestado sa smoking ban, 36 katao ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, siyam ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 601 ang nahuli sa iba pang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 646 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 101 ang arestado ng Mandaluyong Police, 64 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 20 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?