20

Nov 10, 2021 @ 15:48
By

82 tatakbong pangulo posibleng maging ‘nuisance candidate’

Kabuuang 82 presidential aspirant ang posibleng madeklarang mga nuisance candidate o mga kandidatong panggulo lamang.

Naghain na ng mga petisyon ang Commission on Elections tungkol dito.

Samantala, 15 namang tatakbo sa vice presidential race ang nanganganib posibleng maging nuisance candidate habang 108 ang mga senatoriable.

Batay sa listahan ng Comelec, mayroong 97 indibiduwal na naghain ng certificate of candidacy sa pagtakbong pangulo, 28 bilang vice president, 174 bilang senador habang 270 ang mga party-list group.

Itinuturing ng Comelec na nuisance candidate ang kandidato kung wala itong lehitimong intensyon o plataporma upang tumakbo.

Nakikita rin itong magiging sanhi ng “panunuya” sa electoral process.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?