37

Nov 22, 2021 @ 15:38
By

81K litro ng smuggled na langis nasamsam

Nagresulta sa pagkakakumpiska ng 81,000 litro ng smuggled na produktong petrolyo ang pagsunod ng mga ahensya ng gobyerno sa panukala ng mga kongresista na magtayo ng anti-fuel smuggling task force.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda noong Pebrero ay hiniling ng kanyang komite na magtayo ng task force para masugpo ang smuggling ng produktong petrolyo.

Ang itinayong Task Force Paihi ay binubuo ng Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue, Department of Energy, Philippine Coast Guard at National Bureau of Investigation.

Nagsagawa umano ng joint field testing operation sa mga retail station, storage facility, tank trucks at vessels na nagresulta sa pagkadiskubre ng mga unmarked fuel na indikasyon na smuggled ang mga ito.

Nakumpiska sa operasyon ang 79,740.80 litro ng diesel, 2,016 litro ng kerosene at dalawang tank truck.

“I congratulate the BOC for this initial progress, and I am optimistic that we will be able to apprehend more smugglers. Just the mere threat of credible enforcement is enough deterrence against fuel smuggling. While we cannot get rid of all smuggling, we can make it so difficult that for most importers, it will be easier to just follow the law,” sabi ni Salceda sa isang pahayag.

Iginiit ni Salceda ang pangangailangan na masunod ang mekanismo laban sa fuel smuggling sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Fuel marking is the most salient of these measures. I urge the BOC to make sure we optimize this tool,” sabi ng solon mula sa Albay.

Ayon sa BOC, sa 50 petroleum terminal, nakapagsagawa na ng marking operation sa 28 terminal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?