14

May 23, 2020 @ 15:24
By

80M bata ‘di nabakunahan dahil sa COVID crisis

Halos 80 milyong bata ang nanganganib ang kalusugan matapos hindi maturukan laban sa sakit gaya ng tigdas, polio at cholera.

Ayon sa report ng World Health Organization, natengga ang mga immunization program sa maraming bansa dahil sa coronavirus pandemic.

“Disruption to immunization programs from the COVID-19 pandemic threatens to unwind decades of progress against vaccine-preventable diseases like measles,” pahayag ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang statement.

Iniulat din ng UNICEF ang pagkaantala ng vaccine deliveries dahil sa mga lockdown measure at kakaunting flights.

46 na kampanya rin para mabakunahan ang mga bata laban sa polio ang nakansela sa may 38 na bansa, karamihan ay sa Africa, habang suspendido naman ang para sa tigdas sa may 27 na bansa.

Ayon sa mga eksperto, kinakailangan ng mga bata ang routine immunizations bago sila mag-2 anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?