123

Dec 27, 2017 @ 13:55

800K naturukan ng Dengvaxia, dokumentado na – Duque

Naipon na ng Department of Health (DOH) ang listahan ng lahat ng mahigit sa 800,000 naturukan ng bakuna kontra Dengue na Dengvaxia ng kumpanyang Sanofi Pasteur.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ibababa ang listahan sa mga regional director ng DOH at sa Department of Education para ipadala sa mga school principal.

Gagawin ito para mabantayang maigi ang lahat ng mga bata na nabakunahan ng Dengvaxia sa loob ng susunod na limang taon.

Dito umano makikita kung magkakaroon ng mabuti o hindi magandang epekto ang bakuna sa mga bata at sa ilang nakatatakdang nabakunahan nito.

Naging kontrobersiyal ang Dengvaxia kasunod ng pag-amin ng Sanofi Pasteur na maari itong makasama sa hindi pa nagkakaroon ng Dengue.

Naging isyu rin ang madaliang pagbili ng bakuna at ang posibleng overpricing dahil binili ito sa halagang P1,000 kada turok. Tatlong turok ang Dengvaxia para makumpleto ang bakuna. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?