22

800K mga bata naturukan ng Dengvaxia – DOH

Sharing is caring!

Nasa 800,000 mga batang edad siyam pataas ang naturukan ng Dengvaxia vaccine mula nang magsimula ang immunization program noong Marso 2016.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH), ayon sa UNTV News.

Naniniwala umano si Health Undersecretary Gerardo Bayugo na tataas pa ang bilang na ito lalo’t may dumadating pang ulat mula sa kanilang mga regional health office.

Una umanong na-ineksiyon sa 159,766 mga bata sa Region 7 noong Hunyo 2017 ang Dengvaxia sa ilalim ng community-based immunization program.

Sakop nito ang mga bata sa Cebu, Lapu-Lapu City, Mandaue City at Metro Cebu.

Nilinaw naman ng kagawaran na wala pa naman umanong nakukumpirma na namatay dahil sa Dengvaxia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?