360

By

80,000 Pinoy seamen, nanganganib mawalan ng trabaho

Sharing is caring!

Nababahala si ACTS OFW partylist Rep. John Bertiz sa negatibong epekto sakaling bumagsak ang Pilipinas sa isinasagawang review ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

Paliwanag ni Bertiz, kung mabibigong makasunod ang Pilipinas sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) ay nanganganib mawalan ng trabaho ang may 80,000 Pilipinong marino na naka-deploy sa European merchant na mga barko.

Ito’y dahil hindi kikilalanin ng European shipping companies ang certification ng mga Pinoy seaman.

Kinukuwestiyon ng EMSA ang kakayahan ng Maritime Industry Authority (MARINA) na tiyaking naipatutupad ang STCW, na nagtatakda ng minimum qualification standards para sa ship masters, officers at watch personnel.

Umaasa si Bertiz na magagawan ito ng paraan ni MARINA Administrator Rey Leonardo.

“We are counting on Gen. Rey Leonardo Guerrero to manage the risks associated with EMSA’s audit and to build up compliance,” sabi ni Bertiz.

Ang pinakamalalaking employers ng mga Pilipinong marino ay mga international shipping operators na naka-base sa United States, Germany, Singapore, Japan, the United Kingdom, Hong Kong, Greece, the Netherlands, New Zealand, Panama, Norway, Cyprus, Switzerland, South Korea at Liberia. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?