64

By

80,000 alerto sa Oplan: SumVac

Tinatayang aabot sa 80,000 mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang isasabak sa kasadong Oplan: SumVac o Operation: Summer Vacation 2019 bilang pag-alalay ng mga pulis sa mga bibiyahe patungo sa mga probinsya ngayong isang linggong pagdiriwang ng Semana Santa at sa kasagsagan ng mahabang bakasyon.

Ayon kay PNP chief, Gen. Oscar Albayalde, nakaalero ang lahat ng pulis sa bawat rehiyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista at dayuhan na magbabakasyon sa mga probinsya.

Bukod sa tourist police na nakadestino sa mga kalsada na siyang aalalay sa mga biyahero ay sinanay pa ng Department of Tourism (DOT) para maitalaga sa tourist destination at nakaalerto sa mga kalsada at highways bilang paglalagay ng checkpoints, mayroon din ng pulis na 24-oras na nagpapatrolya at naka-monitor sa mga hot spots areas sa bansa, road security, traffic management, anti-criminality operation partikular na sa mga matataong lugar.

Kabilang sa tututukan ay ang mga terminal ng bus, pantalan, paliparan, mall, simbahan at ang mga matataong lugar na kadalasang dinarayo ng mga dayuhan at turista.

Una nang nakipag-ugnayan ang PNP sa mga resort owners at event organizer na maging mapagmatiyag sa kanilang mga ikakasang aktibidad, partikular na ang mga concerts at party na kung saan ay nagkalat ang mga droga na kung saan ay kabilang sila sa mananagot.

Ang Oplan: Sum-Vac ay magtatapos sa muling pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?