55

Dec 17, 2017 @ 16:25
By

800 sa 10,000 DUI hindi drug-related – Dela Rosa

Inihayag kanina ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na 800 sa 10,000 death under investigation o DUI ay napatunayang walang kinalaman sa droga.

Sa panayam ng dzBB, sinabi ng PNP chief na ang 800 namatay ay karamihan ay dahil sa awayan sa lupa, love triangle at mga biktima ng gun-for-hire.

“‘Kinakabit nila sa extra-judicial killings, sinasabay nila doon sa counting pero later on nung pag-conduct ng investigation, hindi ito drug-related, iba yung motives sa pagpatay, hindi related sa drugs, ” sabi ni Dela Rosa.

Sa talaan ng Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP, mahigit sa 10,354 deaths under investigation ang naitala mula Hulyo 1, 2016 hanggang Oktubre 18, 2017.

Sabi ni Bato, patuloy ang imbestigasyon sa libong kaso ng DUI at karamihan umano sa mga suspek ay kinasuhan na ng mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?