81
OFWs na gagawa ng krimen sa abroad, hindi sasaluhin ng gobyerno
Dec 27, 2019 @ 18:06
By

800 OFW mula Hong Kong, Riyadh, nakabalik na sa ‘Pinas

Nasa 800 overseas Filipino worker (OFWs) mula sa Hong Kong at Riyadh ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 Biyernes ng umaga.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang dumating ang mga nasabing OFW na kung saan binigyang ng pamaskong handog ng Overseas Workers & Welfare Administration (OWWA) at Department of Labor & Employment (DOLE) ang mga naturang OFWs nang dumating sa NAIA.

Ang nasabing bilang ay pawang mga OFW na nabigyan ng bakasyon ng kanilang mga employer para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinalubong sila ng mga opisyal na sina OWWA administrator Hanz Leo Cacdac at DOLE Secretary Silvestre Bello lll para personal na iabot sa mga OFW ang pamaskong handog mula sa ahensya sa arrival area ng NAIA Terminal 1 upang alalayan sa pagproseso ng kanilang mga dokumento sa Immigration counter palabas ng paliparan.

Ayon Kay OWWA Administrator Cacdac, bukod sa grocery item dalawangpu’t limang (25) OFWs mula Singapore at Riyadh ang napili ng ahensya na bigyan ng P10,000 cash.

Nilinaw ni Cacdac, hindi sasagutin ng OWWA ang travel expenses ng mga OFW pauwi sa kanilang mga lalawigan dahil hindi naman sila mga distress OFWs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?