17

Jul 22, 2021 @ 15:16

800 katao sa Uganda, tinurukan ng tubig vs COVID

Sinamantala ng mga manloloko ang pangangailangan ng COVID bakuna sa bansang Uganda matapos mapabalitang peke at halos tubig ang itinurok sa halos 800 katao noong Hunyo.

Ayon kay Warren Naamara, director ng State House Health Monitoring Unit, dalawang katao na ang naaresto dahil sa bakuna scam.

Ginamit umano ng mga suspek ang pagmamadali ng ilang kompanya sa Uganda na maturukan ng bakuna ang kanilang mga empleyado upang makapanloko at magturok ng kung ano mang mga kemikal, na ang iba ay halos tubig lang.

Kulang pa rin kasi ang suplay ng bakuna sa naturang bansa, kung saan nasa 1.14 milyon AstraZeneca pa lamang ang dumarating. Nasa 1.1 milyon pa lamang ang natuturukan gayong nasa 42.7 milyon ang kanilang populasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?