451

By

80 sundalo patay sa missile attack sa Yemen

Patay ang may 80 sundalo ng Yemen na nagdadasal sa isang mosque sa ballistic missile at drone attacks ng Iran-backed Houthi rebels.

Ayon sa CNN report, 130 pa ang sugatan sa pangyayari.

Nangyari ang pag-atake sa lalawigan ng Marib noong Enero 18 kung saan tinarget ang isang mosque sa military camp.

Sabi ng Ministry of Defense ng Yemen, ang pag-atake ay para sa paghihiganti sa napatay na “Iranian terrorist” na si Qasem Soleimani.

Matatandaang napatay si Soleimani sa US drone strike sa Iraq noong Enero 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?