97

Nov 4, 2017 @ 18:34

80% puwersa ng PNP, ide-deploy sa ASEAN Summit

Nasa 80 porsiyento ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ide-deploy para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit ngayong buwan.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, sa ngayon handang-handa na ang kanilang hanay sa mga ipapatupad na mahigpit na seguridad.
Halos buong taon daw nilang pinaghandaan ang paglalatag ng seguridad para sa ASEAN Summit.

Sa katunayan, abala na sa ngayon ang kanilang intelligence unit upang matiyak na magiging mapayapa ang gagawing malaking event sa bansa.

Hindi lamang daw ang kanilang intelligence unit ang abala ngayon kundi maging ang intelligence community ng mga foreign counterparts dahil sa darating sa Pilipinas ang lider ng ilang bansa gaya ng Amerika.

“Halos lahat naman ng counterparts natin particularly sa intelligence community ay nakatutok ngayon dito sa Pilipinas dahil sa dadating na ASEAN at very close ‘yung coordination ngayon,” sani ni Dela Rosa.

Humihingi naman ng suporta si Dela Rosa sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon kung may mga kahina-hinalang bagay o tao na makikita upang agad na makaresponde ang kapulisan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?