By

80 pasahero stranded sa Port of Legazpi dahil kay Domeng

Sharing is caring!

Kasalukuyang stranded ang halos 80 mga pasahero sa pantalan ng Legazpi sa Albay dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Domeng.

Iyan ay makaraang hindi payagan ng Philippine Coast Guard na maglayag ang dalawang sasakyang pandagat sa Albay sanhi ng sama ng panahon na nagdudulot ng malalakas na alon sa karagatan.

Sa Rapu-Rapu port naman sa Albay ay hindi rin pinayagan na makabiyahe ang isang barko.

Ayon sa PCG, kapag-malakas ang alon sa karagatan ay awtomatiko nilang kinakansela ang biyahe ng mga sasakyang pandagat para makaiwas aa disgrasya.

Nauna nang naglabas ng babala ang PAGASA na huwag munang maglalayag sa eastern seaboard ng Luzon at Visayas at sa Western seaboard ng gitna at timog Luzon.

Ito’y dahil sa umiiral na habagat na pinalakas pa ng bagyong “Domeng” na nasa silangang bahagi ng Batanes at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?