25

Oct 18, 2021 @ 16:21
By

80% ng counting machine naayos na – Comelec

Halos 80 porsiyento ng vote-counting machines (VCMs) na gagamitin sa 2022 nasyonal at lokal eleksiyon ay na-repair na, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Marlon Casquejo.

Sa pagdinig sa Senado na panukalang P26.7 bilyong badyet ng Comelec sa 2022, tinanong ni Senador Risa Hontiveros ang Comelec hinggil sa update sa P637.4 milyong deal para sa poll technology provider Smartmaticpara sa pagsasaayos ng mga VCM.

Sagot naman ni Casquejo, sa halos 80 porsiyento na ng VCM ang naayos at sa Nobyembre 15 na ang pinal na delivery nito.

“According to their records is nasa 80% na po so aabot tayo and ito pong refurbished machines natin, that is already enough for a 1,000 voter cluster precincts,” sabi ni Casquejo.

“So that is why we need to have additional 10,000 to lower it to 800 voter cluster precincts,” dagdag pa nito.

“‘Yung refurbishment po natin wala po tayong problema doon, ongoing, around 80% so iilan na lang po ‘yung hindi pa na-refurbish,” sabi pa ni Casquejo.

Noong Mayo ng taong ito, nakuha na Smartmatic ang P40122.7 milyong kontrata para sa software na gagamitin sa 2022 automated elections.

Sabi ng Comelec, nanalo ang kumpanya sa pamamagitan ng open bidding process. (Dindo matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?