204

Jul 23, 2018 @ 23:59
By

$80 milyon, tinabla ni Tobias

Tinabla raw ni Tobias Harris ang $80 million contract extension sa Los Angeles Clippers, mas pinili na subukan ang free agency sa susunod na season.

Ayon kay David Aldridge ng NBA.com, lalaro pa rin si Harris sa Clippers ngayong 2018-19 para tapusin ang umiiral na kontrata, pero sa susunod na taon ay pwede na siyang humiling ng max deal.

Maaari siyang latagan ng Clippers ng five-year $188 million, samantalang ang ibang teams na magkakainteres sa kanya ay limitado sa four years at $145.5 million.

Sa edad 26, naglakbay na si Harris sa paglalaro sa Milwaukee Bucks, Orlando Magic, Detroit Pistons at Clippers.

Kinuha siya ng Los Angeles noong 2017-18 bahagi ng deal package na nagdala kay Blake Griffin sa Detroit.

Sa 32 games sa Clippers, nag-average si Harris ng career-best 19.3 points, 6.0 rebounds, 3.1 assists at 1.2 steals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?