77

By

8 tropa ng militar nasaktan sa sagupaan kontra NPA sa Misamis Occidental

Walong sundalo mula sa 10th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang bahagyang nasugatan sa sagupaan laban sa New People’s Army (NPA) sa Barangay Nueva Vista, Don Victoriano, Misamis Occidental noong Miyerkoles (Abril 10).

Ayon kay Lt. Col. John Andrara, 10th IB commander, nasaktan ang mga sundalo sa naganap na pagsabog kasunod ng pagpapaulan ng bala ng mga hinihinalang NPA guerillas ng military detachment sa Nueva Vista dakong alas-11 ng gabi noong Abril 10.

Saad ni Andrada, huhulihin sana ng reinforcement team ang mga sangkot sa pagpapa-ulan ng bala ng baril nang biglang sumabog ang improvised bomb malapit sa barangay hall ng Napangan, na siyang nagdulot ng sugat sa tropa.

Sa naganap na barilan sa pagitan ng tropa ng militar at mga NPA, ilang rebelde din ang nasugatan, ani Andala.

Bilang resulta ng sagupaan, 72 indibidwal mula sa naturang area ang agad na lumikas sa municipal gym ng Don Victoriano habang ang 80 iba pa ay isinugod sa Napangan barangay evacuation center para sa kaligtasan ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?