19

Dec 1, 2020 @ 13:27
By

8 tindero sa QC sapul ng COVID

Walong manininda sa Quezon City ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa Quezon City government, kabilang ang 8 sa 549 tindero na sinailalim sa COVID-19 testing nitong weekend.

Kabilang sa mga tinest ang mga manininda sa Frisco, Tandang Sora, Philand Drive at Balintawak Market.

Agad anilang dinala sa care facilities ng lungsod ang mga nabanggit na vendor.

Wika ni doktor at City Health Department chief Esperanza Arias, angkop gawin ang pooled testing para sa malalaking grupo dahil nate-test ang mas maraming mga indibidwal sa mas kaunting resources. Sa pooled testing aniya, ang swab sample mula sa 5 asymptomatic na tao ay prinoproseso nang magkasama para makita kung may COVID-19.

“Pooling allows us to save resources and test more citizens initially. We will only need to retest them individually if a pool indicated a positive result,” ayon pa kay Arias, sa isang ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?