28

By

8 taon na, wala pa ring hustisya sa Maguindanao massace – NUJP

Sharing is caring!

Walong taon na walang katarungan.

Ito ang mensaheng inihayag ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ngayong ika-walong anibersaryo ng malagim na Maguindanao massacre kung saan 58 katao ang namatay kabilang na ang 32 mamamahayag.

Ayon sa NUJP, nakalulungkot na walong taon makaraan ang karumal-dumal na pagpatay, nananatili pa ring mailap ang katarungan para sa mga biktima.

“It should not have been to farfetched to hope—even expect—that an outrage of such magnitude would have shamed government into ensuring justice was swift and that such killings ended or, at least, substantially reduced. It was, sadly, too much to hope for. Eight years hence, justice remains as elusive as it was on November 23, 2009,” ang nakasaad sa kanilang pahayag.

Umaasa ang NUJP na sa susunod na taon ay magkakaroon na ng resolusyon sa kaso dahil tatlong pangunahing akusado na lamang ang magpiprisinta ng mga testigo.

Umaasa rin umano sila na tagumpay ng hustisya ang kahihinatnan ng resolusyon ng husgado.

“We have been informed that with only three more principal accused in the massacre trial still to present their witnesses, it would be reasonable to hope for a resolution by next year. We do hope so and pray it will be a triumph for justice. However, the numbers do not offer too much reason for optimism,” giit ng NUJP.

Naniniwala rin ang NUJP na ang Ampatuan massacre ay resulta ng bulok na sistema ng pamamahala sa bansa kung saan namamayagpag pa rin ang mga warlords, crime lords at tiwaling mga pulitiko.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pagkabahala ang NUJP sa patuloy umanong pag-iral ng “culture of impunity” sa bansa lalo pa’t nagpapatuloy ang pagpatay sa mga mamamahayag sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Mula umano noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino, umaabot na sa 178 ang mga napatay na mamamahayag kung saan ang limang huling biktima ay pinaslang sa kasalukuyang termino ni Pangulong Duterte.

Ang mga napaslang na mamamahayag sa ilalim ng kasalukuyang rehimen ay sina Larry Que sa Catanduanes, Joaquin Briones sa Masbate, Leo Diaz sa Sultan Kudarat at Christopher Iban Lozada sa Surigao del Sur. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?