95

By

8 ‘super foods’ para sa long life

Sharing is caring!

Sino ba namang nilalang ang ayaw ng mahabang buhay lalo pa at masaya sa buhay kapiling ang mga mahal sa buhay. Mainam na pangalagaan ang sarili para sa malusog at maayos na katawan.

Narito ang mga pagkain na dapat kainin upang mapanatili ang malakas na katawan. Hindi lamang para sa katawan kundi para rin sa maayos na pag-iisip at magandang mood.

Oranges — This sweet treat has a secret weapon. Talagang loaded sa Vitamin C ang oranges at bukod pa rito ang potassium at folate dahil kinokontrol nito ang energy na dumadaloy sa katawan.

Eggs — Are simply amazing. Ang protina na taglay ng pula ng itlog ay nakapagbibigay ng energy sa buong araw. Ang puti ng itlog naman ay mataas sa amino acids, kapwa nagtutulungan upang tumaas ang metabolism na kailangan sa pang-araw-araw.

Salmon — Alam naman nating lahat na kailangan ng katawan ng protina na makukuha sa salmon. Mayroon din itong Vitamin B6, niacin at riboflavin.

Almonds — Loaded with lots of protein ang almonds kaya naman bansag dito ay ‘power house’. Bukod sa protein, mataas din sa manganese, riboflavin at copper ang almonds.

Artichokes — Alam n’yo bang ang gulay na ito ay sagana sa magnesium? Ang isang katamtamang laki ng artichoke ay mayroong 25% ng magnesium na kailangan ng katawan. Kaya naman kapag mababa ang magnesium level mo ay madali kang mapagod.

Spinach — Love to drink green smoothies? Keep it up! Ang spinach ay puno ng iron at protina na kailangan ng katawan. Ginigising nito ang natutulog na kalamnan at pinakikilos ang metabolism sa high level.

Hot peppers — Ang capsacin sa mga peppers o sili ay nagbibigay ng lakas o bilis sa metabolism na kailangan ng katawan bukod pa sa taglay nitong Vitamin C.

Coffee — Alam naman nating lahat na ang pag-inom ng kape ay nagpapagising ng kalamnan at sumisipa sa energy boost para kumilos. Base sa pag-aaral, ang mga coffee drinker ay mayroong average metabolic rate na 16% na mas mataas sa mga umiinom ng decaf. Kaya naman, mas mainam ang pag-inom ng kape.

Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pag-inom ng tubig na nagpapanatili ng mataas na energy level at maayos na metabolism rate. Mura na, safe at ligtas ka pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?