49
8 sugatan sa sumabog na motorsiklo
By

8 sugatan sa sumabog na motorsiklo

Walo ang sugatan matapos sumambulat ang isang motorsiklo malapit sa Tagum City Public Market sa Tagum City.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente noong Sabado ng gabi.

Pawang mga nag-iinuman umano sa lugar kabilang ang isang menor de edad ang mga biktima ng pagsabog ng motorsiklo na naninirahan malapit sa peryahan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, posibleng hindi nagkatugma na wiring ang dahilan ng biglaang pagsabog ng motorsiklo na pag-aari ng isang Ryan Cadaro.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?