24

Jul 30, 2018 @ 18:36
By

8 strikeout ni Tauli, sinandalan ng ‘Pinas

Nadepensahan ng Team Manila-Philippines ang kanilang korona sa Pony World Series 18-U Girls Softball Championships sa bisa ng 5-1 demolisyon sa Central Hemet Explosion Sabado (Linggo, oras sa Pilipinas) sa Diamond Valley Park sa Valley-Wide Recreation District sa Hemet, California.

Nanguna para sa Pilipinas sina Alma Tauli, Cleofe Magsayo, Khisha Cantor, Mary Joy Maguad at Aliza Pichon na talaga namang nagpamalas ng magandang laro at hindi nagpatinag sa host city.

Isa sa magandang performances ito ni Tauli dahil pinahirapan at pinasuko niya ang Central Hemet sa kanyang mga bato para makapagtala ng walong strikeouts.

“The girls deserve the win because we were able to keep our composure, execute our plan and limit our errors,” ani head coach Ana Santiago.

Noong semifinals, si Glory Alonzo ang nanguna na may 11 strikeouts sa limang scoreless innings at nakagawa din ng mga homerun sina Angelu Grabiel at Alexandria Romero-Salas para matakasan ang Riverside County Lady Laces. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?