42

Dec 15, 2017 @ 16:32

8 straight win naibulsa ng Curry-less Warriors vs Mavs

Naiposte ni veteran forward Omri Casspi ang kanyang 17th career double-double sa pagtala ng 17 points at 11 rebounds upang matulungan ang kulang sa tao na Golden State Warriors na makaalpas sa Dallas Mavericks, 112-97, Huwebes (Biyernes, PH time) sa Oracle Arena.

Ito na ang walong straight game win ng Warriors sa kabila na apat na players nila na sina Stephen Curry, Draymond Green, Zaza Pachulia at dagdag na si Nick Young ang nasa hilera ng mga injured players ng Warriors.

Nag-rescue rin ng 36 points, 11 rebounds at seven assists si Kevin Durant habang may 25 points si Klay Thompson na pumasok lahat ng limang ipinukol niyang 3-pointers kaya’t nagawang makapulas sa third quarter ang Warriors.

Nakagawa naman ng all-around solid performance ang Golden State rookie na si Jordan Bell na may eight points, eight assists, six rebounds at two steals.

May 16 points at seven rebounds si Harrison Barnes laban sa dati niyang team na Golden State.

Si Dirk Nowitzki naman para sa Mavs ay may 18 points at nine rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?