20

Jul 22, 2021 @ 16:55
By

8 senador dadalo sa huling SONA ni Duterte

Walong senador, sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III ang dadalo sa huling State of the National Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 26.

Bukod kay Sotto, pupunta rin si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ayon sa listahang pinadala ng Senate President sa mga reporter.

Ang iba pa ay sina Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Christopher ‘Bong’ Go, Imee Marcos, Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at Francis Tolentino.

“Only eight manifested their intention to attend the SONA physically. The rest will be virtual,” sabi ni Sotto sa online interview.

Ang mga senador na pisikal na dadalo sa SONA ay dapat fully vaccinated. Kailangang magpakita rin sila ng negatibong resulta ng RT-PCR test na ginawa 48 oras bago pumasok sa plenary building ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?