47

8 scalpers sa UAAP kabilang ang 2 pulis, arestado

Sharing is caring!

Dalawang pulis at anim na iba pa ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pagbenta ng mahal ng tiket sa UAAP Season 80 men’s basketball championship sa pagitan ng Ateneo at La Salle noong Linggo sa Araneta Coliseum.

Sa ulat ng Unang Balita ng GMA 7, nakilala ang mga nadakip ng pulis na sina Senior Police Officers 4 Renaldo Frias at Rudy Bala.

Ang iba pang naaresto ay sina Romeo Panopio, Maximo Dayandante, Michael Segismundo, Almer Mercado, Artemio Comon at Faustino Valenzona.

Sabi ni Senior Inspector paterno Domondon Jr. of the Quezon City Police District’s (QCPD) special operation unit, nadakip ang walong scalpers ng mga plainclothes policemen na ipinakalat sa Araneta Center noong Linggo.

Sabi sa ulat, binili umano ng mga suspek ang tiket sa halagang P350 bawat isa subalit binibenta nila ito ng P4,500 hanggang P6,000 kada tiket.

Hinahanda na ang kaukulang kaso sa mga suspek na nakapiit ngayon sa QCPD headquarters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?